
Paano nga ba manalo sa Lotto?
May tinatawag na function na expectation E(x).
Ito ay simple lang ang computation.
Magkano ang mapapanalunan i-multiply lang natin sa chance na mapanalunan.
Halimbawa sa 6-58 lotto.
You can win ₱20 if you guess 3 numbers correctly, with a probability of one out of 92.
E(3) = ₱ 20 * 1 / 92 = ₱ 0.22
You can win ₱3,800 if you guess 4 numbers correctly, with a probability of one out of 2,036.
E(4) = ₱ 3,800 * 1 / 2036 = ₱ 1.87
You can win ₱280,000 if you guess 5 numbers correctly, with a probability of one out of 129,728.
E(5) = ₱ 280,000 * 1 / 129,728 = ₱ 2.16
You can win at least ₱50m if you guess 6 numbers correctly, with a probability of one out of 40,475,358
E(6) = ₱ 50m * 1 / 40,475,358 = ₱ 1.24
Kaya sa bawat taya mo ng ₱20, ang expected winning mo ay ang total 0.22 + 1.87 + 2.16 + 1.24 = ₱ 5.48!!!
Kaya laging talo ka sa lotto.
Paano manalo sa lotto?
Hindi naman laging lugi sa bawat bola. Hindi ba ang hindi napanalunan sa isang bola, ay idinadagdag sa jackpot ng kasunod? Kaya lumalaki ang jackpot!!!
Kapag ang jackpot ay ₱637,804,291 o mas malaki, maganda na ang laban sa lotto. Kapag eksaktong ₱637,804,291, ang expected winning ay ₱20 na!
0.22 + 1.87 + 2.16 + 15.76 = ₱20
Kaya actually, maganda tumaya sa lotto na ang prize ay ₱1,026,264,340 (draw ng Oct 10) at pataas, kasi sa ganoon level, ang expected winning ay ₱29.60.
0.22 + 1.87 + 2.16 + 25.36 = ₱29.60
Kung gusto mo paminsan minsan tumaya, maari ka nang tumaya, dahil mas mataas na ang expectation kaysa sa taya!
Pero still, masyadong mababa naman ang chance na one in 40,475,358. Kung may taya ka na 10 ticket, o ₱200 araw-araw, mananalo ka ₱50m isang beses tuwing 11,000 years!!!
Paano manalo sa lotto?
HUWAG TUMAYA SA LOTTO!
Ang ipantataya mo sa lotto nna ₱200 per day o ₱6,000 per month, i-invest mo sa equity mutual funds earning 12-18% per year, at asahan mo, magkakarooon ka ng:
— ₱6m – ₱14m in 20 years
— ₱21m – ₱84m in 30 years
— ₱70m – ₱514m in 40 years
Mas maganda ang ₱70-m to ₱514m in 40 years kaysa ₱50m in 11,000 years hindi ba?
—
Si Coach Bobet ay may YouTube channel https://youTube.com/c/CoachBobet